MahusayEmote

Wednesday, July 16, 2014

Joke Joke Pag MyTime!


Best Answer Kapag Mag-aabot ng Pamasahe sa JEEP

MANOOOONG. BAYAD PO!"—

#MedyoJinggoy
Manong: San galing ang 20?

Pasahero: Manong, wag niyo kong husgahan please. Ang perang yan ay hindi galing sa gobyerno.—-


#MedyoParanoid
Manong: San yung bente?

Pasahero: Ano? Kaaabot ko lang nawala agad yung bente ko?!—-


#MedyoMayabang
Manong: Estudyante?

Pasahero: Mechanical Engineer.2010 Board Passer.——


#MedyoHarotToTheNthPower
Manong: Estudyante?

Pasahero: Opo. 2nd year high school. Hindi pa nireregla pero may anim na crush na.—-


#MedyoDumadamoves
Manong: Ilan dito sa 20?

Pasahero: Dalawa po. Isang manhid at isang nagmamahal ng palihim.—-


#MedyoHarotPart2
Manong: San galing?

Pasahero: Nag groupstudy po. Tapos alamniyo ba andun din yung crush ko. Magdamag niya akong tinuruan sa math. Tapos nung nag exam kanina, 0 nakuha ko. Hihi.—-


#MedyoDefensive
Manong: San galing?

Pasahero: Nagmotel.3 hours kami dun. At wag kayong judgmental please. Gumawa lang kami ng loombands.——


#MedyoNakahithitNgPentelpen
Manong: San ang baba ng bente?

Pasahero: Tung-inuhhh!! Naglalakad yung bente!!!! —-


#MedyoHighblood
Manong: San ang baba?

Pasahero: Sa gitna ng kalsada. Para patay ako tapos kulong kayo.—-


#MedyoEmoH3artZ
Manong: Ilan dito sa 20?

Pasahero: Isa lang. Wag niyo na din sanang itanong kung bakit. Sanay na ako na palaging iniiwan. Kaya nasanay na rin akong mag-isa. Keepthe change.——


#MedyoTumaTumblr
Manong: Walang barya?

Pasahero: Yan tayo eh. Sobra sobra na nga ang binigay, pero parang kulang pa rin. Parang pag-ibig…

No comments:

Post a Comment