1. Isa sa mga pinakamahirap gawin ngunit epektibo ay ang pagputol sa komunikasyon na nag-uugnay sa iyo sa kanya. I know that this is a torture pero sa simula lang ito. Makikita mo rin ang benefits nito in the long run. Ano bang mga bagay ang nagkokonek sa iyo sa dating kasintahan? Friend mo ba siya sa facebook, mas maiiging burahin na siya sa iyong friend's list. May cellphone number ka pa ba niya at mga messages sa inbox na naka-store? Burahin mo na ito. Magpalit ng sim card kung kinakailangan. Anumang nag-uugnay sa iyo sa kanya, kung nais mo talagang makapag move on nang mabilisan ay maaga pa lang ay putulin mo na.
2. Huwag nang ipilit pa ang hindi na pwedeng mangyari. Ihinto mo na ang ilusyon na minsan kahit isang lingo ay pwede pa kayong magkasama o mag stroll sa mall o mag date kaya sa paborito ninyong restaurant. Isipin mo na lang, may dahilan kung bakit kayo naghiwalay, at may mabigat na rason kung bakit ito nangyari. Kung nais mo talaga siyang kalimutan, higit mong isipin angmga pangit na nangyari sa inyosa nakalipas kaysa sa mga matatamis na alaala kasama siya.
3. Hindi naman talaga madaling gawin ito nang mag-isa, kaya't simulan mong makisalamuha sa iyong mga kaibigan, makipag bonding sa iyong mgakapamilya at simulang muling maghanap ng mga bagong makikilala. Malay mo isa sa mga bagong kakilala na ito ang maging bago mong pag-ibig. You can never tell. Ngunit sa kabilang banda ay iwasan mo ang mga kaibigan o kakilala na nag-uugnay sa iyo sa dating kasintahan. Maaari kasing tuksuhin ka nilang muli na balikan ang dating bf/gf, hindi sila makakatulong sa iyo at ito ang dapat mong tanggapin.
4. Magsimulang mag-enjoy, magliwaliw, humanap nang mga pagkakaabalahan. Kahit nga sa bahay lang ay marami kang magagawa, maglinis, magluto at tumulong sa inyong family business kung mayroon man. Keep yourself busy at the same time enjoy your new life.
5. At dahil nga gusto mo nang makalimot. Subukan mong baguhin ang iyong looks. Try to re-invent yourself. Hindi lang artista ang meron nun pati rin mga broken-hearted. Sa mga lalaki, pwede mong subukan na magpa kalbo o magpahaba ng buhok, depende kung anong bagay sa iyo. Pwede mo ring subukang baguhin ang estilo ng iyong pananamit. Dati ka bang emo? Bakit hindi mo subukang i-try ang plain and smart look. Sa mga babae, pwede kang magpaputol ng buhok kuing babagay sa iyo, mag work out, mag diyeta at iba pang magbibigay enhancementsa iyong physical looks. new look represents your new life. Sa bagong buhay magsisimula ang bagong pag-ibig.
Sabi Nga...
Hindi nga ganun kadali ang makalimutan ang nakalipas lalona't kung nagdulot ito sa iyo ngsaya, ligaya, tamis at inspirasyon. Ang mahalaga naman ay naghanap ka ng paraan para makalimot at sumubok kang harapin ang bagong buhay sa positibong paraan nang wala siya.
Cridet: symbianboy