MahusayEmote

Marcelo Santos III Quotes

*****
Bago ka umangal at sabihing “madaling sabihin, mahirap gawin” subukan mo muna. Minsan kasi kaya hindi tayo nakaka-move on kasi natatakot tayo at lagi tayong pinipigilan ng ilusyong baka mahalin ka ulit niya.
HINDI KA NA NIYA MAHAL. HINDI NA.
IKAW NA LANG ANG NAGMUMUKHANG TANGA. GISING NA!

*****
Gaano ba kaimportante sa buhay ng tao ang PATIENCE? All my life, lagi na lang akong naghihintay. Sa kahit anong aspeto ng buhay, nandiyan ang paghihintay.
Tulad ng PILA sa sakayan ng FX, paghihintay sa susunod na teacher, pag-abang sa meeting place ng mga kaibigan mo,
paghihintay ng oras ng showing ng pelikulang pinaka aabangan mo.
Naghihintay tayo ng panahon kung kailan kaya na niya tayong mahalin.

*****
May mga pangyayari sa buhay natin na hindi natin mapipigilan. Kailangan lang natin ay isang litrong pasensiya.
Maraming pasensiya.
Kasi life goes on.
Kung magpapaapekto ka,
talo ka. Kung mapipikon ka, kawawa ka.
Lumaban ka o maging masungit sa mga pang-aasar sayo ng tadhana.
Kasi kung hindi ka marunong makipaglaro sa tadhana,
for sure,
ikaw ang paglalaruan niya.

*****
“Move on!
For sure sasabihin mo na hindi ganun kadali yun.
Bakit ang pag-aaral ng Mathematics, hindi naman ganun kadali pero natututo ka pa ring mag plus, minus, divide at multiply.
Tulad ng Math, ang pagmu MOVE ON ay hindi minamadali.
Kapag ba sinabi kong move on, move on agad agad?
It takes time para makamove on. Ang kailangan mo lang gawin ay ang pagdedesisyon kung magmumove on ka ba o hindi.
At saka, isipin mo, siya nga nakamove on na,
baka ikaw na lang ang hindi. Think.”

*****
Makinig sa mga sinasabi ng iba pero mas makinig ka muna sa sinasabi ng isip mo. Ikaw yan eh! Alam mo yan!

*****
Walkout kapag alam mong sinasaktan ka na at wala nang patutunguhan ang relasyon niyo.
Walkout kapag ikaw na lang ang laban ng laban.
Walkout kapag mukha ka nang tanga.

*****
Bakit kaya ganun?
Liligawan nila tayo.
Papakitaan ng magandang ugali.
Yung gagawin pa tayong prinsesa ngbuhay nila.
Yung ipaparamdam nila sa atin na hindi nila kayang mabuhay kung wala tayo. Tapos kapag na-fall na tayo at handa na natin silang mahalin, bigla na lang mababago ang lahat.
We're not princesses anymore.

*****
Kapag may di pagkakaunawaan..
huwag sumabay sa init ng ulo. Kaya nga dalawa ang tenga natin para dapat mas makinig tayo kesa sa isang bibig na salita ng salita.
Hindi mareresolba ang problema kung gusto niyong kayo palagi ang panalo o ang tama. Makinig. Umunawa. Magpakumbaba.
Matutong tumanggap ng pagkakamali.

*****
Ang hirap bumitiw sa taong ayaw kang pakalawan.
Yung tipong ayaw mo na pero gusto pa rin niya.
Ang hirap kumawala. Natatakot ka kapag iniwan mo siya, baka saktan niya sarili niya. Konsensiya mo pa yun.
The advice is “Take the risks.”
Mas mabuti nang masaktan mo siya ng sobra at biglaan kaysa naman hindi mo nga siya sinasaktan, pero ikaw mismo ang nananakit sa sarili mo.

*****
Sabi nila, sa pag-ibig, ang lahat ng tao ay nagiging tanga. Pero hindi ako naniniwala dun. Walang taong tanga sa pag-ibig.. Siguro kaya nangyari yun ay baka “NAGKATAONLANG.” Nagkataon na masaktan para gumaling. Iwanan para makita ang totoong kaibigan sa buhay niya. Lokohin para malaman niyang may mas higit pa sa taong iyon na magmamahal sa kanya.
Lahat ay NAGKATAON LANG.

No comments:

Post a Comment