MahusayEmote

Showing posts with label tagalog qoute. Show all posts
Showing posts with label tagalog qoute. Show all posts

Tuesday, September 2, 2014

Pinoy Love Quotes

Wag mong mahalin ang taong nagsasabi na mahal ka lang kapag may oras siya.
Mahalin mo yung taong kahit hindi niya sabihin na mahal ka, makikita mo namang lagi ka niyang inuuna kahit busy siya.

*****

masasaktan ka kapag nagmamahal ka.
Natural lang yan.
Parte na yan ng buhay.
Ang dapat mo na lang gawin
ay lakasan ang iyong loob at harapin ang mga pagsubok nito.
Wag kang sumuko,
pilitin mong matuto.

*****
Ang isang RELASYON ay hindi binubuo ng iSANG LiBONG PANGAKO at iSANG LiBONG KONDiSYON.
Ito’y pinatatatag ng dalawang kLase ng tao.
Isang marun0ng MAGTIWALA,
at Isang marun0ng UMUNAWA


Sunday, July 6, 2014

Ngayong Ako'y Lilisan Na Sa Iyong Mundo


Sa mga araw na ika’y nakangiti ramdam ng puso ko’y kagalakan.
Sapagkat ang aking tanging hiling sa Maykapal ika’y huwag pabayaan
Sa tuwing ika’y nalulungkot umiiyak ang puso ko.
Ramdam ko kapag ika’y maysakit o kaya naman sa araw mo’y bigo...

Nais ko lamang na pasayahin ka sa abot ng aking makakaya
Ngunit may mga araw na parang ako’y wala namang halaga
Tinutunaw mo ng galit bawat ngiti sa’king mga labi
Pakiramdam ko’y kaysakit sobrang tindi ng hapdi

Ngayong ako’y lilisan na sa iyong mundo
Nawa’y magunita mo na kinailangan mo din ako
Aking sisikaping lumayo sapagkat mahal kita
Dahil ramdam ng puso ko ang iyong kasiyahan kapag ako’y nawala...