MahusayEmote

Sunday, July 6, 2014

Ngayong Ako'y Lilisan Na Sa Iyong Mundo


Sa mga araw na ika’y nakangiti ramdam ng puso ko’y kagalakan.
Sapagkat ang aking tanging hiling sa Maykapal ika’y huwag pabayaan
Sa tuwing ika’y nalulungkot umiiyak ang puso ko.
Ramdam ko kapag ika’y maysakit o kaya naman sa araw mo’y bigo...

Nais ko lamang na pasayahin ka sa abot ng aking makakaya
Ngunit may mga araw na parang ako’y wala namang halaga
Tinutunaw mo ng galit bawat ngiti sa’king mga labi
Pakiramdam ko’y kaysakit sobrang tindi ng hapdi

Ngayong ako’y lilisan na sa iyong mundo
Nawa’y magunita mo na kinailangan mo din ako
Aking sisikaping lumayo sapagkat mahal kita
Dahil ramdam ng puso ko ang iyong kasiyahan kapag ako’y nawala...

No comments:

Post a Comment