MahusayEmote

Monday, July 7, 2014

Bob Ong Quotes

*** Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.


***Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.


*** Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw.Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures.


*** Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.


*** Kung hindi mo mahal and isang tao,wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.


***Kung maghihintay ka ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo. Dapat lumandi ka din.



*** Pag hindi ka mahal ng mahal mo, huwag kang magreklamo.Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka… Kaya quits lang.


*** Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyongtao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.


*** Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.


*** Hiwalayan na kung di ka na masaya...walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.


*** Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.


*** Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya. Naunahan ka lang.



No comments:

Post a Comment