MahusayEmote

Monday, September 29, 2014

Darating Din Ang Pagkakataon

Darating Din Ang Pagkakataon
by Oskie Leonhart
(Pateros MM)

Dati lagi ka lang nasa isang sulok ng puso ko...
Ngayon sakop mo na ang kalahating bahagi nito...

Walang araw at gabi na hindi kita naaalala...
Lagi ka na lang laman ng isip ko...

Minsan sinusubukan kong alisin ka sa isip ko...
Pero talagang nagpupumilit ka sa ala-ala ko...

May pagkakataon na napapanaginipan kita...
Hindi ka na talaga mawawala sa puso ko...

Huwag ka sanang mag sasawa...
Darating din ang pagkakataon na lagi tayong magkikita...

No comments:

Post a Comment