MahusayEmote

Friday, August 1, 2014

Kalungkutan

*****
Ang pangungulila ay hindi nag-uugat sa paglisan,
kundi sa pamamaalam.
Ang isang taong pinahahalagahan mo ay maaaring magpaalam nang hindi umaalis,
subalit maaari rin siyang umalis nang hindi nagpapaalam.
Paunti-unti.
Dahan-dahan.
Patuloy ang pagtakbo ng buhay sa kanya,
habang sa iyo,
dumarating sa bawat araw ang kapirasong

wakas.

No comments:

Post a Comment