Pages

My Place

Pages

Pages

My Place

Sunday, July 13, 2014

Mga Payo sa Pag-ibig ni Marcelo Santos III

*** Dapat wala nang advice for the day. Kahit ako, hindi ko nasusunod. Kasi ang puso parang tao, matigas ang ulo. Paniniwalaan ang gusto. Kaya ang ginagawa ko, iniisip at pinaniniwalaan ko na lang yung mga nagpapasaya sa puso ko kahit minsan nasasaktan na ako. OK lang, manhid na ako. Sanay na akong masaktan. Ikaw, sanay ka na rin ba?



*** Mahal kita,Mahal mo ako, pakialam natin sa ibang tao.” Ang mahalaga lang ay yung alam niyong masaya kayo sa isa’t isa SATAMANG PANAHON, SA TAMANG PAGKAKATAON at SA TAMANG PARAAN. Madaling maging masaya sa piling ng isang tao basta’t alam mong wala kang natatapakang iba. The lesson is: Love the right ONE at the right time, at the right place, and at the right way.


*** Sabi nila, sa pag-ibig, ang lahat ng tao ay nagiging tanga. Pero hindi ako naniniwala dun. Walang taong tanga sa pag-ibig.. Siguro kaya nangyari yun ay baka “NAGKATAONLANG.” Nagkataon na masaktan para gumaling. Iwanan para makita ang totoong kaibigan sa buhay niya. Lokohin para malaman niyang may mas higit pa sa taong iyon na magmamahal sa kanya. Lahat ay NAGKATAON LANG.


*** Lahat ng tao napapagod. Nagkakasakit.Nanghihina. Ang PUSO ay parang TAO. Ang kaibahan nga lang, kapag ang tao nasaktan o nagkasakit, nandiyan ang tindahan para makabili ng gamot.. pero ang PUSO, mahirap makahanap ng lunas sa sakit na idinulot ng pagkakataon, pag-ibig at tadhana..


*** Sapat na ba ang I love you at I love you too? Sapat na ba ang I care for you and I always do? Sapat na ba ang I will and I do? Ang gusto ko lang yung yakap niya, ang gusto ko lang ay yung nandiyan siya kasama ako, yun lang, sapat na.


***Ang hirap bumitiw sa taong ayaw kang pakalawan. Yung tipong ayaw mo na pero gusto pa rin niya. Ang hirap kumawala. Natatakot ka kapag iniwan mo siya, baka saktan niya sarili niya. Konsensiya mo pa yun. The advice is “Take the risks.”Mas mabuti nang masaktan mo siya ng sobra at biglaan kaysa naman hindi mo nga siya sinasaktan, pero ikaw mismo ang nananakit sa sarili mo.


*** Kapag may di pagkakaunawaan.. huwag sumabay sa init ng ulo. Kaya nga dalawa ang tenga natin para dapat mas makinig tayo kesa sa isang bibig na salita ng salita. Hindi marersolba ang problema kung gusto niyong kayo palagi ang panalo o ang tama. Makinig. Umunawa. Magpakumbaba. Matutong tumanggap ng pagkakamali.

2 comments: