▼
Pages
▼
My Place
▼
Pages
▼
Pages
▼
My Place
▼
Thursday, April 7, 2016
Wednesday, April 6, 2016
Juan Miguel Severo Poem 2
Kapag sinabi kong mahal kita...
Ni: Juan Miguel Severo
Kapag sinabi kong mahal kita..
Ang ibig kong sabihin,
Salamat at nandyan ka..
Kapag sinabi kong mahal kita,
Ang ibig kong sabihin,
Hinahanap-hanap pa rin kita..
Kapag sinabi kong mahal kita,
Ang ibig kong sabihin,
Napapagod din ako..
Nanginginig ang aking mga kalamnan..
Nanlalambot ang aking mga tuhod..
Nangangawit ang aking mga braso..
Dahil kapag sinabi kong mahal kita,
Ang ibig sabihin,
Pagpapaguran ko ito..
Hihintayin kita.. Susundan.. Susuyuin..
Dahil ang aking “mahal kita”
ay hindi nagtatapos sa “mahal ‘lang’ kita”
Ang aking “mahal kita” ay may pagtanggap na ito..
Ito ang hirap na kalakip ng pagibig..
Yakapin mo…
Kapag sinabi kong mahal kita,
Ang ibig kong sabihin,
Malupit ang mundo,
at mamahalin ko ang lahat ng kakampi mo..
Kaya’t hayaan mong dumatingg ang mga bagyo..
Hayaan mong malusaw ako sa araw..
Hayaan mong kumbinsihin kita na kakampi rin ako..
Ikaw, na hantungang inaasam..
Ikaw, na kwentong hindi pagsasawaan..
Ikaw ang sandali na parating inaalala..
Ikaw ang kailangan kong pahinga..
Ikaw ang paghinga..
Kapag sinabi kong mahal kita,
Ang ibig kong sabihin,
Masaya ako..
Dahil mahal,
Gaano man kahaba ang araw..
Juan Migel Severo Poem 1
Isang Letra ni Juan Miguel Severo
Hindi pa.Nakakatuwa ang dalawang salitang iyon.Hindi pa.Para ang gandang pakinggan sa umpisa.Parang laging may paanyaya ng simula.Kumain ka na ba? Hindi pa.Napanood mo na ba ‘tong pelikula? Hindi pa.Natikman mo na ba ‘to? Hindi pa e.Natikman mo na ba ako? Hindi pa.Hindi pa.Parang laging may kasunod na “pero gusto ko sana.”Parang nagsisimula ng maraming oo, tama, magsisimula.May pangako ng isang simula.Kaya siguro magandang pakinggan sa una dahil sa pinapangakong simula.Pero hindi pa, sandali, huwag muna.Mahal ko na ba? hindi pa.Sandali, huwag muna,mahal ko na ba? hindi kaya..huwag muna.Tapos na ba? hindi pa, huwag sana.Hindi pa.Nagustuhan ko ‘tong dalawang salita dahil sa ibang pagkakataon para bangmay pangako na balang araw magiging hindi na.Umaasa ka pa ba? Hindi na.Naghihintay ka pa ba? Hindi na.Masakit pa ba? Hindi na.Mahal mo pa ba sya? Hindi na.Tama. Wakas. Hudyat ng isang wakas.Kaya siguro magandang pakinggan hanggang sa ngayon dahil sa hinuhudyat nitong pagwawakas,hindi ba?Umaasa ka pa ba? Hindi na.Naghihintay ka pa ba? Hindi na.Masakit pa ba? Hindi na.Mahal mo pa ba sya? Hindi na.Mahal mo pa ba sya? Hindi na.Mahal mo pa ba sya? Hindi na.Umaasa ka pa ba?Umaasa ka pa ba?Nakalimutan mo na ba sya? Hindi na.Hindi na? Nakalimutan mo na ba siya?Hindi pa.Tangina.Nagsimula pero ‘di tayo matapos- tapos sa hindi pa at hindi na.Tangina. Isang letra lang ang pinagkaiba.Wala pang isang segundo para isulat, isang pindot lang sa keyboard.Tangina. Ang tagal na. Pero hanggang ngayon hindi pa.‘Pag tinakpan mo nga ang letrang P magmumukha itong hindi na e.Pero hindi pa.Kung anu-ano na ang pinantakip ko pero gano'n pa din siya.Kung anu-ano na ang pinambura ko, pero hanggang ngayon nasa simula pa.Kung sinu-sino na ang nilapitan ko pero na sa'yo pa rin ang mga paa ko.Na sa'yo pa rin ako.Sabihin mo nga, gaano karaming salita pa ang kailangan kong isulat para mapalitan ang isang letra? Tangina.
Saturday, March 26, 2016
Black Saturday
Black Saturday is a yearly holiday along with the week of remembering God's sacrifices for the forgiveness of sins.